π‘·π’Šπ’π’Šπ’π’Š π’Œπ’π’π’ˆ π‘΄π’‚π’ˆπ’Šπ’π’ˆ π‘΄π’‚π’π’‚π’šπ’‚

Hindi ko na kailangang pilitin
ang sarili kong ngumiti
tuwing nababanggit ang pangalan mo.

Ngayon, kusang ngumingiti ang puso koβ€”
hindi dahil sa’yo, kundi dahil sa wakas,
ako’y malaya na.

Hindi ko na kailangang sabihing
masaya ako para sa’yo,
dahil ang totoo,
masaya na rin akoβ€”para sa sarili ko.

Oo, naalala pa rin kita,
pero hindi na ako bumabalik
sa gabi ng pagluha,
sa pagitan ng buwan at mga bituin
na minsang naging saksi
sa katahimikang puno ng kirot.

Naririnig ko pa rin ang tinig mo,
pero wala na itong kapangyarihang
lampasan ang tunog ng sarili kong lakas.

Ang bawat patak ng ulan
na pumilas sa pagkatao ko,
ngayon ay bumubuo na ng bagong anyo.

At kapag nakikita kitang masaya,
hindi na ako nagtatanong sa Diyos.
Hindi ko na siya sinisisi.
Sapagkat nauunawaan ko na:
π’‚π’π’ˆ π’Œπ’‚π’π’Šπ’ˆπ’‚π’šπ’‚π’‰π’‚π’ π’‚π’š π’‰π’Šπ’π’…π’Š 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π’Šπ’Šπ’π’‚π’.

Lahat tayo may karapatangβ€”
tumawa muli,
magmahal muli.

Kaya’t heto akoβ€”
umaahon hindi dahil kailangan,
kundi dahil gusto ko.

Iniiwan ko na ang bigat,
hindi bilang pagtakas,
kundi bilang pagyakap
sa bagong simula.

Hindi ko na kailangang
ikulong ang alaala mo.
Hindi ko na kailangang
sumbatan ang larawan mo.
Hindi ko na kailangang
itanong kung bakit ako naiwan.

Sapagkat, ang naiwang tanong na lamang ay:
“𝑨𝒏𝒐 𝒑𝒂 π’‚π’π’ˆ π’π’‚π’ˆπ’‰π’Šπ’‰π’Šπ’π’•π’‚π’š 𝒔𝒂 π’‚π’Œπ’Šπ’
𝒔𝒂 π’Žπ’‚π’π’‚π’šπ’‚π’π’ˆ π’‘π’‚π’ˆπ’π’‚π’Œπ’ƒπ’‚π’š?”

Pinapatawad na kita.
At higit sa lahat,
pinapatawad ko na rin ang sarili ko
sa pananatili sa isang mundong
matagal nang gumuho.

Ngayon,
Sapat na ang katotohanangβ€”
higit ninuman, masaya akong magsisimula
dahil pinili kong lumaya.




β€”
*image: saurav mahto / unsplash

Recommended Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *